While searching for an old friend’s email address in my yahoo mail, just found these two forwarded and very old emails I’ve got from two close friends. Nakakatuwa lang! Reminiscing!!! Enjoy reading.... :)
ANG SAPATOS
The overused shoes
When I went to Davao for Christmas vacation in 2001, I found what I think was the best shoes I've ever had. It was a blue and white slip-ons with a flower on its strap. Margay ang tatak niya. Ang tagal ko na naghanap ng blue na kikay slip-ons at doon ko lang sa Gaisano Davao nahanap iyun. I bought the shoes for 500 pesos lang! Feeling ko pa, swerte ako dahil last pair na iyun and it was my size!
Sobrang natuwa ako sa kikay kong sapatos at napakalambot niya! I wore the shoes everyday because they would match anything... denim, slacks, capri pants, skirt, dress. Gamit ko siya in the office, at the mall, in church, even at the beach!
Dahil araw-araw ko siyang nagamit, at nasuot ko na siya sa kung saan, it was expected na wala pang isang taon ay sira na siya. Sabi ko, okay lang. May Margay naman sa Robinsons saka sa Landmark, siguro naman may ganoong style pa sila. Ngunit napuntahan ko na lahat ng display ng Margay pero wala akong nakitang katulad nang nabili ko sa Davao. Nakadalawang uwi na ako sa Davao at pumupunta ako sa Gaisano, umaasang may makikita akong ganoon klaseng sapatos. Hindi na nga ako naghahangad ng eksaktong ganoon eh. Kahit na kamukha lang o kasing-lambot lang, okay na kaso wala. Iyong kikay blue Margay na slip-ons ko -- na malambot at may naka-angat na bulaklak sa strap, na bagay sa kahit anong damit ko -- ay sira na ngayon. Hindi lang siya sira, nangingitim na sa dumi, at hindi na kayang i-glue ang punit na talampakan pero hindi ko pa siya maitapon-tapon. Hindi ko alam kung bakit. Alam ko hindi ko na siya maisusuot uli, pero may reminder naman ako na once upon a time, I had a perfect pair of shoes. Hindi ko nga lang inalagaan.
Lesson learned: Kapag nahanap mo na ang bagay o tao na sa tingin mo ay perfect na para sa iyo, ingatan at alagaan mo. Huwag mong abusuhin. Kapag nawala sila, baka wala ka nang mahahanap na kapalit at habambuhay mo na lang iisipin na "sana, inalaagaan ko siya."
The "maganda siya pero masakit" shoes
May fini-fit ako noon na sapatos sa Celine. Okay lang ang presyo. Maganda ang material. Kikay ang hitsura. At kapag suot ko, nakaka-sexy ng paa. May isang problema nga lang... masakit sa paa.
Pero cutie kasi siya eh saka on sale at sadyang matigas ang ulo ko. Kaya ayun, binili ko. Sa umpisa, okay lang naman. Keri ko saka masakit naman talaga sa paa ang
bagong sapatos pero habang lumilipas ang oras, lalong sumasakit. Hindi siya meant sa pangmatagalang suot. Habang suot ko siya, parang gusto kong umiyak sa tuwing humahakbang ako. Pagdating ko ng bahay, puro sugat at galos ang paa ko. At ilang linggo din akong may peklat sa paa dahil sa diyaskeng sapatos na iyun.
Kapag sa umpisa pa lang, alam mo na masakit na sa paa at hindi mo puwedeng suotin ng matagalan, huwag mo nang bilhin. Bakit mo pa itutuloy kung alam mong masasaktan ka lamang kapag sinuot mo?
Parang pakikipag-relasyon din iyan eh. May mga lalake na good on paper, bagay sa iyo, tipo mo nga eh. Ang kaso, panandalian lang siya. "Boylet" lang kasi unavailable siya. Bakit mo pa itutuloy kong alam mong eventually ay masasaktan ka lang? Sana, habang maaga pa, iwasan mo na.
Lesson learned: Kung sa umpisa pa lang, alam mo na masasaktan ka lamang sa bandang huli, huwag mo nang ituloy. Baka mag-iwan pa iyan ng scar na hindi mo na maaaalis kailanman.
The shoes that got away
May nakita akong magandang sandals sa Landmark. Mura lang, less than 500 pesos lang siguro. Kakaiba din siya kasi hindi siya iyong style na makikita mo sa babaeng katabi mo sa MRT. Black and white siya. Polka dots ang strap niya pero hindi cheap ang dating. Ang kikay nga eh tapos two inches iyong heels niya. Sinukat ko minsan, ang ganda sa paa!
Kaya lang, hindi ko siya binili. Kasi, kakaiba siya eh. Mahirap hanapan ng ka-match na damit at bag saka kakabili ko lang kasi ng isang sandals kaya sabi ko, next pay day ko na lang bibilhin ang polka dots na sapatos na yun.
Madalas akong dumaan sa Landmark at nakikita ko ang sapatos na gusto ko bilhin pero hindi ko mabili-bili. Ilang pay day na ang dumaan pero hindi ko pa rin siya kinukuha para iuwi. Hanggang sa dumating ang oras na kailangan ko ng isang kikay na sandals na may print. Naisip ko agad ang polka-dots na matagal ko na gusto bilihin pero pagpunta ko sa Landmark, wala na siya doon. Naubos na. Ang ending, napabili ako ng ibang printed na sapatos na hindi ko naman talaga gusto pero wala akong choice kasi kailangan ko na nga.
Lesson learned: Kung magpapaligaya sa atin ang isang bagay, seize the day! Sa kaka-delay, baka mawala lang sa atin ito at mauuwi tayong nagse-settle sa hindi naman talaga natin gusto. Mas mahirap pagsisihan ang mga bagay na hindi mo ginawa. Wala na yatang mas masakit pa sa thought na abot-kamay mo na lang, pero pinalampas mo pa.
Sino ba naman mag-aakalang may mapupulot pala akong leksyon sa mga sapatos? Kaya nga panay bili ko eh, para mas marami pa akong matutunan. Sa susunod, I will find lessons from bags naman para ma-justify din kung bakit sandamakmak ang bags ko.
PICK YOUR CHOICE!!! :)
Types of Manliligaw…
Some Girl’s Point Of View (POV)…
· Mr. Gwapings - mayaman, gwapo, kilala, at higit sa lahat may wheels. mataas ang confidence nya na hindi sya mababasted, kaya pag nabasted..maapektuhan ng husto ang kanyang EGO. at teyk note, malas mo kung may sour grape attitude pa yan. pwede nyang sabihing "sus kala mo kung sinong maganda e pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pwe!"
· Mr. Quickie - ang type ng manliligaw na kada magkikita kayo e wala nang alam na sabihin kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i love you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na isang linggo pa lang naman syang pumoporma. kung baga dinadaan nya sa pangungulit para mabilis ang pagsagot mo.
· Mr. Everything - linya nya ang "sagutin mo lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya mundo." tanga ka na pag nagpauto ka. dahil pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya ang linyang yan.
· Mr. Stalker - eto yung type ng manliligaw na pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo susundan pa nya ulit ng tanong "nsan ka ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong ginagawa mo?" at kung anu-ano pa. basta tungkol sa daily activities mo kelangan malaman nya.
· Mr. Take it or leave it - pag binasted mo ang ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding hindi ka na nya papansinin. period.
· Mr. Salesman - dadaanin ka sa matatamis na salita. parang si Mr. Everything din kaya lang sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong.."ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot ng mga kamay mo" at iba pang pang-uuto mapasagot ka lang.
· Mr. Good Dog - eto ang nakakatuwang manliligaw. kase payag syang magpaalipin. taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing may gala kayo ng mga barkada mo. napapakitang gilas kung baga. pero pag sinagot mo na, for sure gaganti yan.
· Mr. Anonymous - motto nya ang "action speaks louder than words". wala kang kaalam-alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-bait sayo. e akala mo mabait lang talaga. hehe!
· Mr. Second chance - sya ang pinakamasugid mong manliligaw. kahit 100 tayms mong sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang pag-asa ang sasabihin nya parin "Please give me a second chance"
· Mr. Romantiko - jologs ang mga paraan nya sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan mga barkada mo, liligawan parents mo at laging may dalang flowers and chocolates tuwing dadalaw. pero madalas nakakapagpakilig sya ng nililigawan nya dahil sa kanyang "malinis na hangarin"
_______________________________________
Some guy’s POV…
· Mr. Gwapings - Mayaman, gwapo, kilala, at may wheels. Sobra taas ang confidence na di mababasted. Dinadaan ang panliligaw sa fancy restaurants, extravagant gifts, and a lot of EGO. Surprisingly, marami pa rin ang napapasagot nya kaya kahit nabasted na, buo pa rin ang ego. Masaya siyang panuorin dahil sa ego na yan. Lalong lalo na pag nabasted na. It will be hard to tell if he is serious for a girl, but when he is, the girl is definitely lucky.
· Mr. Quickie. One word describes this type, inexperience. Nagreresearch ng panliligaw techniques sa TV o di kaya sa mga movies ni Judie Ann at Wowie. We cannot really blame him for his being pathetic. Those who might give him a chance may be surprised on how well he MAY be able to take care of a girl he supposedly loves. Those experienced but still uses this tactic is an idiot.
· Mr. Everything. He could be a poet at heart, but he needs to come to terms with reality badly. You have to admire the guy's passion for someone to feel that he has the strength to endure everything for a girl. Usually, these guys sway a girl off their feet through their songs or poems. Still, if a girl likes him, she has to find a way to snap this guy back to reality; it IS kinda unhealthy if he stays that way.
· Mr. Stalker. A good side of this guy is that he is restless, and what better way to get restless than get worried for the one he cares for. It can, however, be a form of paranoia which is unhealthy. You cannot blame a guy for being worried all the time, especially when he thinks his loved one is extremely beautiful and there are a lot of guys out there who wants to have her too. Stalking though is bad, and IMO sick, so be careful about guys like that too.
· Mr. Take it or leave it. Three words: "Walang Modo".... Okay, that's two words, but that's beside the point. Nuff said.
· Mr. Salesman. This guy is no different from Mr. Everything, but these types are more likely to be loved back than the other. Thing is though, these guys are too devious to be trusted. IMO, I respect the Mr. Everything's passion more than Mr. Salesman's tongue. Wiser women go for Mr. Everything.
· Mr. Good Dog. (I will confess. I am partly like this, so you may look at my entry here as nothing more than my opinion.) A guy who just wants to be with you, and seeing that he's practically useless around your friends, he looks for ways to be useful to you. These guys are just as restless as Mr. Stalker, but is man enough to actually be with you and away from his friends. Basically, these types are lazy that they allow their loved one to do the thinking for them, but it could also be that these types are reserved; that when his loved one starts to panic, he is calm and takes control of the situation.
· Mr. Anonymous. I just find it ridiculous to approach a girl and say, "liligawan kita." (or any other variants of the sentence) I consider courtship as a form of dance, I make a move, you react to it. It could be that our dance be harmonious and beautiful. It could be that it will turn out ugly. The point is though, is that courtship is not just all the guys moves... and IMO, it is more beautiful when no words are spoken.
· Mr. Second chance. There are two branches for this type: The Persistent and The Desperate. The persistent are optimists. They think that they can be worthy of your love if you only give them a chance. These types have clear minds and is very much ready for a relationship given you give him a chance. The desperate, however, are pessimists. They most probably think that there will be no other girl like you. Flattering yes, but these guys need to move on. Giving these guys a chance will result to a very awkward relationship as they tend to have no idea what to do next if you say yes to him.
· Mr. Romantiko. (I am also partly like this, so you may look at my entry here as nothing more than my opinion.) Any other manliligaw can offer the same things as this guy can, but he is seen to be more romantic since you like him; thus, he is just sweet, sincere and caring. Kaya dapat alamin muna kung totoo sya sa mga ginagawa niya kasi pwedeng front niya lang ito para mapasagot ka niya.
No comments:
Post a Comment