05 June 2013

nagtatanong lang



Magandang araw sa’yo.

Hindi ko alam kung paano at saan ko ito sisimulan pero ang alam ko lang marami akong gustong sabihin.  Alam mo naman lahat ng pinagdaanan ko, merong mga araw na masasaya, merong hindi masayado pero meron din naman na hindi talaga masaya.  Ilang beses na rin akong nasaktan, paulit-ulit nga eh.  Naranasan mo na bang masaktan? Ako, ang sagot ko ay oo. Masakit, sobrang sakit. Yung tipong walang paglagyan yung sakit at lungkot na nararamdaman mo. Walang lunas. Walang tigil ang pagtulo ng mga luha mo araw-araw na kahit anong pigil mo, nagkukusa ang mga mata mo, ganung level na lungkot at sakit. Hindi ako ang klase ng taong iyakin o mababaw ang luha, masiyahin nga ako eh. Wala sa vocabulary ko ang laging umiyak, malayo iyon sa personalidad ko, pero minsan bumibigay rin. Hindi dahil sa mahina ako, kundi dahil ‘tao ako’.  Minsan napapaisip ako, maganda rin pala yung umiiyak ka paminsan-minsan.  Weird at nakakatawa pero totoo di ba?  Sa bawat pagtulo ng luha mo, ay paalala na ikaw ay tao - may feelings at buhay.  Sabi nga doon sa isang nabasa ko kelan lang, ‘Since birth, crying is an indicator that you are alive.’  May point naman sya, kaya kung ako sa’yo iiyak mo lang din para makalabas.

Hindi ko nga alam kung paano ko nalampasan yung mga panahon na araw-araw ako natutulog at gumigising na may luha sa mata. Siguro nakuha lang sa dasal.  Hindi ko rin alam eh. Ang sigurado lang ako, nalulungkot ako; nasasaktan.  Akala ko dati hindi na yun matatapos.  Isang araw, nagising na lang ako na parang walang nangyari.  Maaliwalas ang buhay.  Ang saya ko talaga nung araw na yun.  Sabi ko ayusin ko  sarili ko, back to zero tayo, panibagong buhay.  Ayos naman.  Ilang taon din ang lumipas. Ang daming nagbago.  Nadagdagan mga kaibigan ko.  Ang dami kong nakilala.  Natutunan ko na magtiwala at magmahal ulit sa mga tao.  I-share ang buhay ko, pati mga bagay na meron ako.  Hindi naman kasi ako madamot lalo’t higit alam ko na makakatulong ako sa iba. Totoo pala yung sinasabi nila na kung ano ang hindi mo inaasahan, yun ang dumarating.  Hindi ko inakala na mauulit pala ulit ang parteng iyon ng buhay ko. Pagkatapos kong buhayin ulit ang sarili ko nang ilang taon, namatay ng ganun-ganun lang.  Kaya ayun, moving on stage ulit ang drama ko. Balik sa pagsosolo. Binuo ulit ang sarili at pagkatapos ng ilang taon, eto na naman ako.  Buong-buo na ulit.  Sabi ko sa sarili ko ulit, ayos na ‘ko. Ok na.  Malinaw na malinaw na sa’yo ang purpose ng mga nangyari ha.  Alam mo na ang gagawin mo sa susunod.  Alam mo na rin ang limitasyon mo.  Aalagaan mo na ang sarili mo.  Protektahan mo sya. Hindi mo na hahayaan may makasakit sa’yo ulit. Wala na.

No comments: